Manifesto of a Filipino Creative
This is what I stand for and live by as a Filipino creative exploring, creating and telling the Philippine story through my choice of creative medium: clothing. I believe clothing tells the story, fact or fiction, of society. Nonetheless, this manifesto works for any Filipino creative to inspire and, hopefully, challenge them to incorporate a piece of their Filipino-ness in their work and not forget or be ashamed of our culture.
Pahayag ng Isang Pilipinong Malikhain
Sa kapwa kong mga mapanlikha – mga taga-disenyo, ilustrador, dibuhante, tagalikha ng pelikula, at artista – ating isabuhay at isabahagi ang ating pagiging Pilipino gamit ang ating masining na pamamaraan sa pamamagitan ng pagsabuhay ng mga pahayag na ito:
- Ipakita, ipakalat at ipagmalaki and mga sining at disenyong Pilipino sa kapwa Pilipino at mga ibang lahi.
- Isabuhay ang kulturang Pilipino sa isip, salita, gawa.
- Kilalanin ang sarili bilang isang Pilipino sa loob man o labas ng bansa.
- Isa-ulat ang istorya ng Pilipinas sa pamamagitan ng masining na pamamaraan.
- Gamitin at ipagmalaki ang salitang kinalakihan.
- Gamitin ang materyales na gawang Pinoy.
- Gamitin, ipagmalaki at bigyang kahulugan ang talento at galing ng mga Pilipinong mangagawa ng ating mga proyecto.
- Lumingon sa ating bansa at kultura asan man tayo sa mundo.
- Magbigay inspirasyon at ituro sa mga kabataan ang halaga ng paggawa ng sining at pagdisenyo sa kasaysayan, kultura at kabuhayan ng mga tao.
- Pagaralan at balikan ang ating nakaraan upang matutunan at ihalintulad ang dapat at di dapat gawin sa ating kasalukuyan.
- Kilalanin ang iba’t ibang kultura sa bawat bahagi ng Pilipinas.
- Pagaralan ang tradisyong nagbuo sa ating kultura, ngunit ating paunlarin para sa kasalukuyang kapanahunan.
- Gumawa ng maayos at maunlad na negosyo upang mabigyan ng sigurado, sapat at tamang pera at hanapbuhay ang mga mangagawa.
- Alagaan ng tama at palitan ang mga kagamitan at materyales na kinuha mula sa kalikasan upang hindi ito maubos.
- Mahalin ang ating bansa at kultura.
- Gawin ang lahat ng ito ng may ngiti sa labi at saya ating puso.
Photo by Austin Nicomedez on Unsplash
No Comments